The image features a high school graduate with their hair styled in an elevated fashion. The text on the image expresses encouragement and motivation, suggesting that graduating is an important step towards achieving success. The individual appears to be smiling, adding a positive tone to the moment.

High School Graduate ka lang! Wala kang mararating sa buhay!

Career | 12 Dec 2024

  • 0
  • 1105



Bes, narinig mo na ba ‘yan? Kung hindi sa kapitbahay mo, sa family reunion niyo na naman. “Graduate ka lang ng high school? Walang company na tatanggap sa’yo!” Parang automatic na nadisqualify ka sa lahat ng pangarap mo. Pero guess what? CHISMIS LANG YAN! 

Here’s the truth: “High school graduate ka lang” isn’t a death sentence for your career. In fact, andaming job opportunities for high school graduates in the Philippines that can help you build a bright future—one paycheck at a time. Pwedeng magsimula sa maliit, pero pwede rin maging malaki ang ending. So, huwag kang papaniwala sa mga negatron, okay? Always remember, as long as may tiyaga, palaging may nilaga.


 

1. BPO Jobs: The Adventures

I think ito yung pinaka common choice. At di porket common choice is MID CHOICE na. Nope. Sometimes it is the best choice. Dami ko na kilalang nakapag patayo na ng bahay dahil sa BPO. Kung high school graduate ka, the BPO industry is your new BFF! Mga call center jobs ang pinaka-accessible sa ‘yo—wala silang hanap na college degree. Madalas lang nilang gusto? Magaling ka mag-English kahit konting slang pa ‘yan.

Bakit pasok ka dito?

  • Basic training is provided, kaya no worries if wala kang experience.

  • Starting salaries range from ₱18,000–₱25,000. BESH, MAS MALAKI PA ‘TO SA ALLOWANCE NG COLLEGE CLASSMATES MO!

  • Night shifts mean less traffic at may free coffee pa. Kung sipag at tiyaga ang puhunan, pwede kang ma-promote to team leader.

Pro Tip: Browse verified listings sa Jobyoda para sa legit BPO openings.


Click here to learn more about BPO JOB Openings for SHS & High school Graduates

 


 

2. Freelance Jobs: Trabaho sa Pajama Party

 

Wala kang degree? No problem! Ito yung career na di papel ang basehan ng qualifications mo. Nasa skills lahat yan. So kung marami kang skills, freelance jobs in the Philippines are perfect for anyone na willing matuto. Pasok na pasok ka sa online jobs like:

  • Virtual Assistant (VA)

  • Data Entry Specialist

  • Social Media Manager (Post ka lang ng memes, may sweldo ka na)

  • Graphic Designer

Bakit pasok ka dito?

  • Hindi mo kailangan mag-commute. Kung may stable Wi-Fi ka at marunong ka mag-Google, kalma ka na.

  • Most clients only care about your skills. Sila pa ang magpapadala ng “Congratulations, bes!”

Pro Tip: Make sure you prepare for your interview para alam nilang matalino at magaling ka talaga!

Click here  for to Learn about the Top 10 Common Interview Questions Filipino Job Seekers Should Prepare For

 


 

3. Service Crew: The OG Hustle

Isa sa pinaka-common na job opportunities in the Philippines for high school graduates ay sa fast-food chains and restaurants. Very newbie friendly and it’s one of the best ways to gain experience. You get to practice how to handle customers, manage your time, and create a professional profile. Service crew, cashier, or even kitchen helper ang mga posisyon na laging hiring.

Bakit pasok ka dito?

  • May free meals ka na, may sahod ka pa. (Chickenjoy? Why not?)

  • Flexible shifts para may time ka pa sa mga side hustles.

  • Starting sa crew, pero hello, manager in the making ka na pala in a few years.

Pro Tip: Apply sa mga branches malapit sa bahay mo para di ka maubos sa pamasahe.

Clear here to learn more about Nearby Job Openings

 


 

4. Skilled Work: Lakas Maka-#ProudPinoy

High school graduate? Walang problem kung skilled ka! Daming TESDA certifications na pwede mong kunin at libre pa! Pwede ka ngang mag-abroad if meron ka. Ang daming hiring for:

  • Electricians

  • Welders

  • Mechanics

  • Tailors

Bakit pasok ka dito?

  • You don’t need a degree, just practical training.

  • Gawa mo, laging kailangan—meaning, steady ang kita.

  • In demand ‘to sa local AND abroad. Hello, passport?

Pro Tip: Here are places where you can get certifications and YT videos that talk about upskilling

 


 

5. Retail Jobs: Swabe sa Mall

Mahilig magbenta? Perfect sa’yo ang retail jobs—mga cashier, sales associate, or merchandiser positions.

Bakit pasok ka dito?

  • No degree needed, basta marunong ka magsmile at may pasensya.

  • Discounts sa favorite brands! (Baka mauna ka pang mag-sale kaysa sa customers mo.)

  • Friendly sa newbies; some companies even offer free training.

Pro Tip: May postings for jobs for high school graduates in the Philippines sa Jobyoda—hanap ka na, bestie!

 


 

6. Delivery Riders: On the Go Goals

Kung may lisensya ka at marunong ka sumingit sa traffic ng Metro Manila, consider delivery rider jobs. Grab, FoodPanda, Shopee—sila na yata ang nagpapagalaw sa ekonomiya ngayon.

Bakit pasok ka dito?

  • Flexible hours—pick your own schedule.

  • The more trips, the more kita. Kapag masipag ka, kaya mong kumita ng ₱1,000+/day.

  • Di ka nakatali sa office. You’re your own boss!

Pro Tip: Always check reviews on delivery platforms bago mag-sign up.

 


 

7. Online Selling: Hustle from Home

Kung madiskarte ka, tara, negosyo! Maraming high school graduates ang yumayaman sa online selling. Hindi mo kailangan ng degree para magbenta ng Korean skincare or preloved clothes sa Shopee, Lazada, or TikTok Shop.

Bakit pasok ka dito?

  • Small capital, big potential income.

  • Kikita ka habang nanonood ng K-drama.

  • Pwede kang mag-experiment sa mga products na hilig mo.

Pro Tip: Promote on TikTok—mas mabilis sumikat ang negosyo mo kapag viral.

 


 

 


 

Final Thoughts: Wala Kang Mararating? Sino Nagsabi?!

Bes, ang buhay hindi parang high school na ang taas ng grading system, pero 75 ka lang pasado ka na. The world is way more forgiving. Basta may sipag, diskarte, at kaunting kapal ng mukha, pwede kang umasenso kahit wala kang diploma.

So, the next time someone tells you, “High school graduate ka lang? Wala kang mararating!” sagutin mo sila ng: “Excuse me, may trabaho ako, ikaw? Wala!”

Kung ready ka na maghanap ng jobs for high school graduates in the Philippines, download Jobyoda and start swiping your way to success. Kahit “graduate ka lang,” bes, ang buhay ay para sa mga madiskarte.